Ipinagmalaki ni Pangulong Aquino sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address ang pagbaba sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Ayon sa pangulo, naitala ang pinakamababang bilang ng mga unemployed sa loob ng isang dekada.
Mas bumaba pa ito noong 2014 sa 6.8 percent mula mahigit 7 percent noong 2013.
Ibinida rin ng Pangulo ang pagbaba ng bilang ng mga pilipinong lumuluwas pa ng bansa upang magtrabaho. Anya, isang patunay lang ito na mas dumarami na ang oportunidad sa trabaho sa Pilipinas.
Paglilinaw pa ng Pangulo, karamihan sa mga nagawang trabaho ay mga permante maging ang problema sa Job Mismatch, tinutukan din ng gobyerno.
Bumaba rin maging ang bilang ng mga nagstrike. noong 2013, isa lang ang naitalang strike na pinakamababa sa kasaysayan ng DOLE ayon sa Pangulo.
Ibinida rin ng Pangulong Aquino ang Conditional Cash Transfer Program o pantawid pamilya program – isang programang naglalayong mabigyan ng mga mahihirap sa bansa, sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda, edukasyon, at health services sa mga benepisyaryo.
Paliwanag ng Pangulo, mas tumaas na ang bilang ng mga beneficiary mula sa nasa 700 thousand lang noong 2010, sa 4.3 million na ngayong taon.
Marami ring nakapatapos sa high school dahil sa CCT Program at nasa mahigit 13 thousand sa mga nakapagtapos ay grumaduate with honors.
Dahil din anya sa CCT, mas bumaba ang bilang ng mga out of school youth, mula 2.9 million sa 1.2 million nalang.
Nagpatutsada rin ang Pangulo sa mga kritiko ng CCT at sinabing hindi naman ganoon kabilis ang epekto ng CCT.
Ngunit tiyak naman ang malaking tulong na binibigay nito sa mga beneficiaries.
Tags: CCT Program, DOLE