Mula 2013 hanggang 2015, 204 na tauhan na ng Philippine Army ang naalis sa tungkulin dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Noong 2013, 131 sundalo ang inalis sa serbisyo sa Hukbong Katihan, 38 naman noong 2014 at 30 noong 2015.
Ngayong taon, lima lang ang inalis sa serbisyo, ngunit maaari pa itong madagdagan dahil sa mas pinaigting na random drug test kaugnay sa kampaniya ng Duterte administration na sugpuin ang krimen at illegal drugs sa sa bansa.
Kamakailan, sa pamamagitan ng isinagawang random drug test ng Philippine Army sa headquarters nito sa Fort Bonifacio, Taguig City katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, 13 sa 2,500 sundalo ang bumagsak sa initial mandatory drug test.
Lahat ng mga ito ay kasalukuyang iniimbestigahan at nasa custody habang hinihintay ang confirmatory test na inaasahang ilalabas sa darating na Martes.
Sakaling mapatunayang gumagamit nga ng illegal drugs, sapat ay aalisin ang ito sa pagiging sundalo.
Samantala, naghihintay ang pamunuan ng Philippine Army sa kusang loob na pagsuko ng mga sundalong gumagamit ng iligal na droga.
Ang Philippine Army o Hukbong Katihan ng Pilipinas ang pinakamalaking major service ng Armed Forces of the Philippines.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)