Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga pulis na nakakasuhan na may kinalaman sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Mula sa 24 na nakasuhang pulis noong 2013, umakyat ito sa 82 noong 2014 at 202 na ngayong 2015.
Ayon kay PNP Legal Service Public Information Officer Chief P/Supt. Lyra Stella Valera, karamihan sa kaso laban sa mga operating officer ng PNP ay harrassment, trespassing, robbery at extortion.
Tumaas ang bilang nang nakakasuhangpulis dahil sa mas aktibo ang mga ito sa ngayon sa pagsasagawa ng mga operasyon lalo na nang ilunsad ang operation lambat sibat.
“It’s really depends on the kind of operations that our operations conduct, maaaring for 2015 tumaas ang data because the command launched a new project on lambat sibat, when conducting operations our policeman are vulnerable to a service connected cases.” Pahayag ni Valera
Kaya naman, kulang na kulang ang 100 lawyers ng legal service upang ipagtanggol ang mga nakakasuhang pulis.
Bukod pa rito ang ibang trabaho ng legal service tulad ng pagsasagawa ng lectures at seminars on legal matters sa mga operating unit ng PNP.
Kayat panawagan ng opisyal sa mga abogado sa bansa, mag apply sa kanilang tanggapan .
Ayon kay Atty. Lyra Valera kahit hindi kasing laki ng sweldo ng mga nasa private company sa sweldo ng mga abogado sa legal service, malaking bagay ang nakatutulong sila sa mga tinaguriang tagabantay at tagapagligtas ng mgamamayan.
Paglilinaw ng opisyal, bagamat kulang sila sa lawyers ay hindi naman nila pinababayaan ang mga kasong hawak nila at hindi pa nangyari na nadismiss ang isang kaso o natalo sila dahil sa hindi pagharap sa mga pagdinig. (Lea Ylagan/UNTV News)
Tags: harrassment, lambat sibat, PNP Legal Service Public Information Officer Chief P/Supt. Lyra Stella Valera, robbery, trespassing