Bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa bansa, umabot na sa 10

by Erika Endraca | March 9, 2020 (Monday) | 3944

METRO MANILA – Ang kauna unahang kaso ng COVID- 19 sa Pilipinas ay naitala bago matapos ang Enero.

Ito ay dalawang Chinese National mula sa Wuhan City, Hubei Province China na dumating sa Pilipinas via Hong Kong noong Jan 21.

Sila ang number 1 and 2 COVID 19 cases, nasawi noong February 1 si COVID case number 2.

Isa ring Chinese national ang number 3 COVID-19 case sa bansa na isang 60 taong gulang na babaeng na unang na admit sa Bohol.

Gumaling ito sa sakit at nakabalik na sa China noong January 31.

Nitong March 6, kinumprima ng DOH ang pang- number 4 and 5 COVID-19 case sa bansa.

Ang pang-4 na kaso ay isang 48 taong gulang na lalaki na may travel history sa Japan.

Habang ang pang-5 kaso ay ang 62 taong gulang na lalaki mula sa San Juan City na walang travel history sa labas ng bansa.

Ayon sa DOH madalas itong bumisita sa isang muslim prayer hall sa San Juan Cty.

March 1 ito na- admit sa RITM at nagka- severe pneumonia

March 5 nakumpirmang positibo ito sa COVID-19.

Nitong lang nakaraang Sabado (March 7)  kinumpirma ang number 6 COVID-19 case sa bansa na isang 59 na taong gulang na babae asawa ng pang-5 kaso.

Nahawa ito sa kanyang asawa. Kapwa walang travel history sa ibang bansa ang COVID-19 case number 5 at 6.

“The Department Of Health (DOH) confirmed that the previously-reported fifth case of covid-19 is the first case of local transmission in the country after verification with the Bureau Of Immigration showed that the patient had no recent travel history.” ani Department Of Health Sec. Francisco Duque III.

“What we have now is localized transmission. We are not trying to define what are the parameters of this cluster.” ani WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyhasinghe .

Sa kasalukuyan, ang pang- 5 kaso ay nasa kritikal na kondisyon ayon sa DOH matapos itong magkaroon ng severe pneumonia.

Ang COVID-19 case 7 naman ay isang 38 taong gulang na lalaking Taiwanese na walang travel history sa abroad pero nagkaroon ng direct contact sa isa pang Taiwanese national na nag- positibo rin sa COVID-19 nang sinuri pagbalik nito sa Taiwan.

Ang case number 8 ay isang 32 taong gulang na lalaking Pilipino na may travel history sa Japan sa nakalipas na 14 na araw.

Ang case 9 naman ay isang 86 na taong gulang na lalaking Amerikano na may may travel history sa Aamerika at south korea

Ang case 10 sa bansa ay isang 57 taong gulang na lalaking Pilipino na walang travel history sa ibang bansa pero ayon sa doh nagkaroon ito ng direct contact sa isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 .

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng DOH ang detalye kung paano ang naging pagkakahawa nito sa isa pang kaso.

At dahil nakapagtala na ng local transmission sa bansa, itinaas na ng DOH ang alert system sa code red sub- level 1

Sa ilalim ng code Red Alert Sub- Level 1: Nakahanda dapat ang lahat ng mga health workers  sa bansa sa posibleng pagdami ng kaso at pagtugon sa kanilang pangangailangang medikal

Pagpapaigting sa contact tracing .

Palalawigin ang surveilance para sa mga taong may malalang respiratory symptoms .

Lalawak ang saklaw ng testing capacity ng pamahalaan upang matukoy kung sino sa mga tao ang may COVID-19.

Striktong implementasyon ng home quarantine  at paghahanda ng pamahalaan sa community transmission.

“Once the State of Public Health Emergency is declared this will facilitate mobilization of resources, ease the processes including procurement of logistics and of critical logistics and supplies, mandatory reporting has to be done, mandatory quarantine” ani DOH Secretary Francisco Duque III.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,