METRO MANILA – Umabot na sa 70,000 baboy ang pinatay mula ng magkaroon ng African Swine Fever (ASF) sa bansa na opisyal na inanunsyo noong Setyembre.
Pero nilinaw ng Bureau of Animal Industy (BAI), na 30% lamang dito ang direktang infected o nahawahan ng sakit. Ang mas malaking bahagi anila ay pinatay dahil sakop ito ng 1 kilometro mula sa lugar na nagkaroon ng ASF na bahagi ng protocol ng DA.
Ayon kay BAI Dir. Ronnie Domingo, mas maliit ang epekto ng ASF sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa gaya ng Vietnam na umaabot na sa 5.8M ang mga pinatay na baboy. Base sa datos ng ahensya, bumababa na ang bilang ng mga naaapektuhang baboy kumpara noong mga nakaraang buwan.
Pero kinuwestyon naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kung bakit nakapasok ang nasa 7.6 M Kl. ng pork mula sa Germany na isa sa mga bansa na umiiral ang import ban. May mga de lata din aniya na galing pa sa mismong lugar na may ASF gaya ng Korea.
Isa rin aniya sa nagiging problema ngayon kung bakit itinatago ng mga hog raiser ang kanilang mga alaga ay dahil sa mabagal na pagbibigay ng ayuda. Sa ngayon aniya ay nasa 70 sa 81 probinsya na ang may ipinatutupad na regulasyon sa pagpasok ng baboy lalo na kung mula ito sa mga lugar na apektado ng ASF.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: African Swine Fever