Bilang ng mga pilipinong walang trabaho, nadagdagan pa ng mahigit sa isang milyon batay sa huling SWS Survey

by Radyo La Verdad | September 9, 2015 (Wednesday) | 1739

JOB
Nadagdagan pa ng mahigit sa isang milyon ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho.

Batay sa pinakuhiling survey ng Social Weather Stations, umaabot sa 1.5 milyong pilipino ang nadagdag sa bilang ng mga walang trabaho ngayong 2nd Quarter ng 2015.

Mula sa siyam na milyong Pilipinong jobless noong 1st quarter, umaabot na ito ngayon sa 10.5 million.

Isinagawa ang survey simula June 5 hanggang June 8 sa isang libo at dalawang daang respondent.

Kaugnay nito, bumaba rin ang bilang ng mga pilipinong naniniwala na magkakaroon ng trabaho sa susunod na isang taon.

Mula sa high category noong Marso, ngayong Hunyo ay bumaba na ito sa fair category.

Sa ngayon ay patuloy ang pagbuo ng pamahalaan ng mga polisiya at programa, na makatutulong upang maibsan ang lumolobong unemployment rate sa bansa.

Kamakailan lamang ay inilunsad ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng Bureau of Local Employment ang jobstart at ang pagsasagawa ng malawakang job fair.

Namahagi rin ang DOLE ng mga job search kiosk sa Commission on Higher Education para mas mapabilis ang paghahanap ng trabaho.

Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan partikular na ang mga fresh graduate na makapagtrabaho at malinang ang mga kakahayan para sa iba pang job opportunities. (Joan Nano / UNTV News)

Tags: ,