Manila, Philippines – Bumbaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho simula pa noong last quarter ng taong 2018 base sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS)
Base sa survey na isinagawa noong March 28 to 31, 2019, nakapagtala ang SWS ng joblessness rate na 19.7 percent o tinatayang 9.4 million na pilipinong may sapat na gulang ang walang trabaho.
Mas mababa ito ng 2.3 percent kumpara sa survery na isinagawa noong September 2018 kung saan 22 percent o tinatayang 9.8 million adults ang walang trabaho.
Sa halos 10 milyong pilipinong walang trabaho na naitala noong March 2019, nasa kalahati ng bilang na ito ay ang mga boluntaryong umalis sa dating trabaho. Habang nasa 1 milyon naman ang bilang ng mga first time job-seekers.
Mahigit 3 milyon naman ang mga nawalan ng trabaho dahil sa hindi maiiwasang economic circumstances o tinatawag ng sws na mga retrenched.
Sa mga pilipinong kabilang sa retrenched, halos 3 milyon sa mga ito ay natapos na ang kontrata at hindi na mare-renew, mahigit kalahating milyon ang natanggal sa trabaho, at nasa 300,000 ang nagsara ang kumpanya.
Kaugnay nito, kasabay ng sws survey noong March 2019, lumalabas na 47.6 million ang mga pilipinong may sapat na gulang at may trabaho o kasalukuyang naghahanap ng trabaho. Tumaas ito ng halos 5 milyon mula sa survey na isinagawa noong December 2018 kung saan 42.4 million adults lang ang naitala ng sws na nasa ilalim labor force participation.
(Asher Cadapan Jr. | Untv News)
Tags: Pilipino, SWS survey, unemployment rate