Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, bahagyang bumaba ayon sa Philippine Statistics Authority

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 7601

NEL_JOBLESS
Maliit lamang na porsyento ang ibinaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Batay sa October 2015 labor force survey ng Philippine Statistics Authority, ang unemployment rate ay umabot sa 5.6 percent noong Oktubre ngayong taon mula sa 6 percent sa kaparehong period noong 2014.

Ito na ang pinakamababang naitala sa nakalipas na isang dekada.

Ikinatuwa naman ito ng Malakanyang.

Tumaas naman ng bahagya ang employment rate ng bansa, mula 94 percent noong October 2014 ay tumaas ito sa 94.4 percent ngayong taon sa kaparehong period.

Malaki ang naging kontribusyon sa dagdag na bilang mga nagkaroon ng trabaho ang mga nasa services at industry sector.

Kung saan sila ay tumanggap ng mahigit kalahating milyong manggagawa sa nakalipas na isang taon.

Ang malaking bilang ng mga may trabaho ay mula sa services sector o ang mga nasa retail at wholesale trade o mga nagri-repair ng mga motorsiklo na may 54.5 percent, agriculture sector na may 29.6 percent at 15.9 percent sa industry sector o ang mga nasa manufacturing o construction.

Ayon pa sa malakanyang, pangunahing tinututukan pa rin ng pamahalaan ang usapin ng kalidad ng trabaho sa bansa.

Umabot sa 2.4 million ang nadagdag sa labor force population sa nakalipas na isang taon na kinabibilangan ng mga Pilipinong may edad kinse pataas, may trabaho man wala.

(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,