Bilang ng mga Pilipinong nasisiyahan sa mga ginagawa ni Pangulong Aquino, nabawasan – SWS

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 1615

NEL_BUMAGSAK
Nabawasan ng limang puntos ang net satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino The Third batay sa bagong survey ng Social Weather Stations.

Sa survey noong March 30 hanggang April 2, 2016 sa 1,500 respondents.

57 percent ang nagsasabing kuntento sa naging trabaho ni Pangulong Aquino at 30 percent naman ang hindi nasisiyahan.

Sa Visayas Region ang malaking bilang ng mga Pilipinong nagsasabing kuntento sa naging trabaho ng pangulo, samantalang sa National Capital Region naman ang may malaking porsyento na hindi nasiyahan.

Si Pangulong Aquino ay nakakuha ng net rating na positive 27 o moderate rating, ang pinakamababang rating ng pangulo mula noong first quarter ng 2015.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, maituturing na mataas pa rin ang rating ng pangulo.

Patuloy rin ang pangulo sa kanyang trabaho para sa bayan.

Naniniwala rin ang Malakanyang sa patas na pagtingin ng mga Pilipino kung saan tiyak na pipiliin ang pagpapatuloy ng mabuting pamamahala at pagunlad ng bansa sa kanilang gagawing pagboto sa Mayo a nuebe.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,