Bilang ng mga Pilipinong nagsasabi na silaý mahirap, nabawasan sa 3rd Quarter ngayong taon – Octa Research

by Radyo La Verdad | November 23, 2023 (Thursday) | 4975

METRO MANILA – Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabi na sila ay mahirap sa ikatlong quarter ngayong taon.

Batay sa survey ng Octa Research, nasa 46% o 12.1 million na pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.

Mas mababa ito sa 50% o 13.2 million families na nagsabing sila’y mahirap nitong second quarter ng taon.

Bumaba din ang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng pagkagutom dahil walang makain. Mula sa 15% noong second quarter, 10% na lamang ito katumbas ang 2.6 million na pamilyang Pilipino.

Isinagawa ang survey mula September 30 hanggang October 4 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.

Tags: , ,