Tumaas ang bilang ng mga Pilipino ang nagbukas ng bank account partikular sa mga mahihirap na antas ng lipunan ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, mahigit sa tatlong milyong account ang binuksan sa pagitan ng taong 2011 at 2014 batay sa datos mula sa World Bank Global Findex.
Ipinakita ng Global Findex na 31.3 percent ng mga Pilipino na nasa hustong gulang ay nagbukas ng mga formal bank account, na mas mataas kumpara sa naitalang 26.6 percent na naiulat noong taong 2011.
Ang formal bank account ay isang uri ng account na binubuksan sa mga financial institution tulad ng mga bangko, kooperatiba, at microfinance institution.
Nakasaad din sa report na tumaas ng 17.8 percent noong 2014 ang bilang ng Pilipinong kabilang sa poorest 40 percent mula sa naitalang 10.7 percent noong 2011.(UNTV Radio)
Tags: Bangko Sentral ng Pilipinas, bank account, Global Findex, World Bank