Bumaba na ang bilang ng mga pasaherong na-stranded sa mga pantalan sa iba’t-ibang lugar sa bansa dahil sa bagyong Urduja.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nasa nine thousand seven hundred seventy-five mula na 17,000 na pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Central Luzon, Palawan, Bicol, Western Visayas, Southern Tagalog, at Southern Visayas.
Sinabi ng PCG, 913 rolling cargoes, 88 vessels at 20 motor bancas ang hindi pa nakakapaglayag sa nasabing mga lugar.
Samantala, walong domestic flights ang nagkansela ngayong araw dahil sa masamang panahon. Ang mga ito ay ang Air Swift 110/111 Manila-El Nido-Manila, Cebgo 6031/6032 Manila-San Jose (Mindoro)-Manila, Cebgo 6041/6042 Manila-Busuanga-Manila, Pal Express 2031/2032 at Manila-Busuanga-Manila.