METRO MANILA – Umabot na sa 5.822 na mga paaralan sa 14 na rehiyon ang nagpatupad ng online classes o modular learning noong nakaraang Linggo bunsod ng sobrang init ng panahon.
Btay sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 3-M estudyante na ang naapektuhan ng suspension ng face-to-face classes.
Una nang sinabi ng DepEd na may kapangyarihan ang mga paaralan at maging lokal na pamahalaan na magsuspinde ng pasok kung hindi magiging kaaya-aya ang kasalukuyang panahon para sa mga mag-aaral.