Bilang ng mga nasawing miyebro ng Abu Sayyaf Group, umabot na sa 31 – AFP

by Radyo La Verdad | April 15, 2016 (Friday) | 1249

AFP
Umabot na sa tatlumpu’t isa ang bilang ng mga nasawing miyembro ng Abu Sayyaf Group habang tatlo naman ang malubhang nasugatan sa patuloy na operasyon ng militar sa Tipo-Tipo, Basilan.

Ayon kay Major Felimon Tan Jr., ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command, isang kampo rin ang kanilang nakubkob na naglalaman ng mga kagamitan sa paggawa ng improvised explosive device.

Posible ring ginawa itong training ground ng mga terorista.

Sinabi rin ni Major Tan na patuloy na ang kanilang operasyon upang makuha ang mga lider ng asg na sina Ubaida Hapilon at Furiji Indama na kabilang umano sa mga critically-wounded.

Samantala, tatlo ang nahuling bandido ng AFP isa ay naka-confine ngayon sa Basilan Hospital dahil sa mga tinamong sugat;

Ang ikalawa naman ay itinurn-over sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front dahil miyembro umano ito ng kanilang Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities.

Habang ang ikatlo ay nasawi habang nasa kustodiya ng militar.

Pinabulaanan naman ng AFP ang ulat na tinorture nila ang nasawing bandido dahil sa mga pasa nito sa katawan.

Gayunman, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang malinawan ang isyu.

Bukas din ang AFP sa external investigation na maaaring isagawa kaugnay ng isyu.

(Dante Amento/UNTV NEWS)

Tags: