Bilang ng mga nasawi sa mudslide sa California, umakyat na sa 19; limang iba pa, hindi pa rin natatagpuan

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 6385

Patuloy ang mga otoridad sa paghahanap sa lima pang indibidwal sa Santa Barbara County na biktima ng mudslide dito sa California na nagsimula noon pang nakaraang linggo.

Samantala, umakyat na sa labingsiyam ang death toll sa nangyaring kalamidad at ayon kay Santa Barbara County Sheriff Bill Brown, ang mga nawawala ay nag-eedad dalawa hanggang tatlumpong gulang.

Aabot na sa mahigit dalawang libong rescue workers mula sa federal, state at city agency ang nakadeploy upang magsagawa ng search and retrieval operations.

Hindi pa rin makabalik sa kanilang mga tahanan ang may pitong libong residente ng Santa Barbara County na lumikas. Sila rin ang mga naapektuhan noong malawakang wildfire noong nakaraang Disyembre.

Samantala, wala pa ring opisyal na pahayag kaugnay ng sitwasyon ng mga kababayan natin sa mga naapektuhang lugar.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan pa sa ngayon ang konsulada ng Pilpinas sa California sa Filipino communities para sa updates.

Tags: , ,