Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Davao Del Sur, umabot na sa 9 — NDRRMC

by Erika Endraca | December 18, 2019 (Wednesday) | 24490

METRO MANILA – Umabot na sa 9 ang kumpirmadong nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Davao Del Sur. 1 ang hanggang ngayon ay nawawa habang 99 ang sugatan.

Samantala, ang mga pamilyang apektado ng lindol ay pansamantalang naninirahan ngayon sa ibat ibang evacuation centers.

Kabilang naman sa 45 na istrukturang napinsala lindol sa Region 11 at 12, ay mga simbahan at eskwelahan.

“At dahil nagkaroon na naman ng panibagong earthquake, baka hindi na talaga kinaya nung building na sunud-sunod na strong abuse na ‘yun from the earthquakes.” ani NDRRMC Spokesperson, Mark Timbal.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal pinag-aaralan ng ahensya kung kinakailangang pang magpadala ng karagdagang rescue team sa mga apektadong lugar sa Davao Del Sur.

“Our rescue personnel on the ground ng local government ay doble-kayod na talaga sa pag-ayuda dun sa mga kababayan natin. So, what is happening now is ayaw naman nating talaga na sagad-sagarin itong mga rescuers natin.” ani NDRRMC Spokesperson, Mark Timbal.

Muli namang sinigurado ng NDRRMC, na sapat ang kanilang relief items sakaling mangailangan na ng karagdagang ayuda ang mga lugar na napinsala ng lindol.

(Harlene Delgado | UNTV News)

Tags: ,