Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo umabot na sa 1,019

by Erika Endraca | February 12, 2020 (Wednesday) | 10967

METRO MANILA – Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nasasawi sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa China.

Sa pinakahuling tala umabot na sa 1,019 ang bilang ng mga nasawi, 2 ay mula sa Pilipinas at Hong Kong. Sa China pa lang mahigit 42,000 na ang kumpirmadong nahawa ng naturang deadly virus.

Samantala gumagamit na ng Real Time Telemedicine ang General Hospital ng People’s Liberation Army sa Beijing para sa mga severe cases ng COVID-19 pneumonia.

Gamit ang remote diagnosis system na may 5G technology nakakapagsagawa ng diagnosis ang expert team ng pagamutan base sa medical records na ipinadadala gamit ang naturang teknolohiya.

“We focused on three cases, all in severe conditions. Experts from our hospital used their respective professional experiences to make diagnoses and recommend treatment methods from different angles. We hope that our advices would help the front-line doctors at the Huoshenshan hospital cure the patients.” ani PLA General Hospital Research Institute Of Respiratory Diseases Head Chen Liang’an.

Samantala nasa China na ang medical experts ng World Health Organization (WHO) na tutulong sa Chinese health authorities sa pagsugpo sa outbreak ng COVID-19.

Ang advance team na ito ng WHO ang magpapasimula ng isang mas malaking international team na tututok sa paglaban sa COVID-19 outbreak.

“This mission brings together the best of Chinese science, Chinese public health with the best of world’s science and public health. We need to let those experts interact, we need to give them the space, the time to interact, to share information, to check their hypothesis of what has been happening, where this is going in China”. ani WHO’s Health Emergencies Program Head, Dr. Michael Ryan.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags:

2019 nCoV tatawagin nang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ayon sa WHO

by Erika Endraca | February 12, 2020 (Wednesday) | 10867
(C) World Health Organization

METRO MANILA – Tatawagin nang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang Novel Coronavirus na unang kumalat sa China noong December 2019.

Ayon sa World Health Organization (WHO) importante na magkaroon ng opisyal na tawag sa isang virus.

Tiniyak ng ahensya na ang pangalan na kanilang napili ay hindi magdudulot ng takot o pangamba sa publiko.

“We now have a name for the disease, and it is COVID-19. We had to find a name that did not refer to a geographical location, an animal, an individual or group of people and which is also pronounceable and related to the disease.” ani WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags:

DOH nilinaw na kasama ang Taiwan sa travel ban ng Pamahalaan

by Erika Endraca | February 11, 2020 (Tuesday) | 10904

METRO MANILA – Nilinaw ng Department Of Health (DOH) na sakop sa travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan ang bansang Taiwan.

Ayon sa DOH base sa mapa na ginagamit ng World Health Organization(WHO), kasama ang Taiwan sa China.

Matatandaang una nang nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa China, Macau at Hongkong dahil sa banta ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags:

66 na bagong kaso ng 2019 nCoV naitala sa cruise ship sa Japan; 3 dito ay Pilipino

by Erika Endraca | February 11, 2020 (Tuesday) | 5443

Nadagdagan pa ang mga Pilipinong nagpositibo sa 2019 nCoV na nakasakay sa cruise ship sa Japan.

Base sa report ng Diamond Princess cruise ship nakapag tala sila 66 na bagong kaso ng 2019 nCoV.

45 rito ay pawang mga Japanese, 11 American citizen, 4 ang Australian citizen at 3 Pilipino.

Sa ngayon 8 Pilipino na ang may kumpirmadong kaso ng 2010 nCoV sa naturang cruise ship.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags:

More News