METRO MANILA – Mahigit 1,700 ang bagong kaso ng Novel Coronavirus na naitala ng Chinese National Health Commission sa nakalipas na 24 oras.
Sa ngayon pumalo na sa mahigit 4,500 ang kumpirmadong kaso ng 2019 NCOV sa China. Mahigit 900 sa mga pasyente ang nasa malubhang kundisyon.
Ayon sa Health Commission 26 rin ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Mula 85, umakyat na sa 106 ang death toll dahil sa Novel Corona Virus sa China.
“Thirty provinces, autonomous regions and municipalities across China reported 1,771 new confirmed cases, 515 new severe cases and 26 new deaths, including 24 in central China’s Hubei, one in Beijing and one in South China’s Hainan province. ((nine more patients were cured and discharged from hospitals and 2,077 more suspected cases were reported.))” ani Chinese National Health Commission Spokesman Mi Feng.
Samantala isang Japanese tour bus diver ang nagpositibo sa Coronavirus wala itong travel history sa China pero nakasalamuha nya ang grupo ng mga turistang chinese na galing sa Wuhan China na namasyal sa Japan.
Nagpadala narin ng charter plane ang japan para pauwiin ang kanilang mga kababayan na nasa wuhan china. Nakapagtala na rin ng unang kaso ng Coronavirus ang Cambodia, Germany at Sri Lanka.
“I have come to inspect the steps taken by my ministry and the airport authority before and after we found one person with the coronavirus in the country. We are also discussing what more steps need to be taken in the future.”ani Sri Lanka Minister For Health Pavithra Wanniarachchi.
(Mirasol Abogadil | UNTV News)
Tags: Novel coronavirus