MANILA, Philippines – Lumagpas na sa 1K ang bilang ng mga namatay sa sakit na Dengue sa bansa mula Enero hanggang Agosto 24 ngayong taon batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).
Mahigit 250,000 na rin ang kasong naitala sa buong bansa Ngayong 2019. Ayon sa DOH hindi pa rin under control ang pagtaas ng bilang ng naturang kaso.
“Meron pa rin. We’ve seen eh in the past years nagspike pa rin pag ano eh November, December basta umulan eh so kahit nakikita natin na nagbabawas na siguro ngayon, kumokonti na, we dont want to…we’re still above the epidemic threshold” ani DOH Spokesperson, Undersecretary Eric Domingo.
Dahil sa paglobo ng kaso pumasok na rin sa epidemic threshold ang National Capital Region (NCR). Pero ayon sa DOH, sa kabila ng paglobo ng bilang ay kaya pa ring tanggapin ng mga public hospital ang mga pasyenteng posibleng iadmit dahil dito.
“Talagang nagkaroon lang talaga tayo ng problem sa several areas na nagkasabay sabay that time like sa Iloilo dati or iyong mga municipalities or cities na talagang nagkakasunod pero so far naaaccommodate naman iyong ating mga patients” ani DOH Spokesperson, Undersecretary Eric Domingo.
Samantala, dahil sa maulang panahon ay mas malaki ang posibilidad ng pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue dahil sa tubig na maaaring pamugaran ng nga kiti kiti at lamok kaya’t kalinisan ng kapaligiran at ibayong pag iingat pa rin ang abiso ng DOH sa publiko para makaiwas sa sakit.
(Mai Bermudez | UNTV News)