Bilang ng mga nakumpiskang baril ng PNP, umabot na sa 1,257

by Radyo La Verdad | May 8, 2019 (Wednesday) | 13522

MTERO MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Civil Security Group-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies ng PNP ang 331 armas mula January 13 hanggang sa kasalukuyan. Ang 250 dito ay mula sa mga security agency na naisyuhan ng cease to operate order habang ang 81 naman ay nakuha sa mga inspeksyon mula nang magumpisa ang election period.

Ang mga firearms ay kinabibilangan ng mga 55 12 ga shotgun; 39 na 9mm pistol; 222 na .38 caliber; 10 super .38 st 1 cal 380, 2 cal .32 at w mac intratec.

Umabot na sa 1,257 ang bilang ng mga nakumpiskang baril sa mga security agency sa buong bansa.

Mahigit naman sa 5 libo ant nakumpiskang lose firearms ang nakumpiska rin ng PNP mula nang paigtingin ang kanilang kampanya noong nakaraang taon.

Ayon kay General Albayalde, kailangan ng endorsement ng PNP sa pagkuha ng permiso ang isang personalidad sa COMELEC para mabigyan sila ng bodyguard mapa mula man ito sa isang security agency o sa hanay ng mga pulis.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , , ,