Bilang ng mga nakaranas ng gutom, tumaas sa unang bahagi ng 2016 – SWS

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1469

DARLENE_HUNGER-RATE
Mataas ang bilang ng mga pamilyang nagsabing nakaranas sila ng gutom o involuntary hunger ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS na isinagawa nitong March 30 hanggal April 2, 2016

Batay sa survey ng SWS tumaas sa three point one million sa unang bahagi ng 2016 ang bilang ng mga nakaranas ng involuntary hunger mula sa 2 point 6 million sa 4th quarter ng 2015.

Sa mahigit tatlong milyon na nakaranas ng gutom sa unang bahagi ng 2016, two point six sa mga ito ang nakaranas ng gutom isa o dalawang beses sa loob ng tatlong buwan o moderate hunger

Habang nasa 481 thousand naman ang mga pamilyang nakaranas ng severe hunger o palaging nagugutom.

Ayon sa SWS, sa Luzon, bumaba ang bilang ng mga nakaranas ng gutom. Tumaas naman sa Mindanao ng anim na porsyento.

Ang rehiyon ng Mindanao ang isa sa mga pinakamatinding tinamaan ng el niño phenomenon na tumatagal hanggang sa unang bahagi ng 2016.

Ang MIndanao rin ang may pinakamaraming armed conflict at insidente ng kidnapping na naitala at pinakabago dito ay ang kidnapping sa Sulu.

Sa taong 2015, naitala ang pinakamababang hunger rate simula noong 2004 na umabot lamang sa 13.4 percent.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, may nakahanda nang programa ang administrasyong Duterte upang lutasin ang problemang ito.

Isa sa mga pangako ni President Duterte ang mapalago ang ekonomiya ng bansa.

Kabilang din sa economic agenda ni Duterte ang matugunan ang problema sa agrikultura at mai-angat ang pamumuhay ng mga mahihirap.

(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,