Bilang ng mga naisampa at nadesisyunang kaso sa Sandiganbayan, bumaba kumpara sa nakaarang taon

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 1323

SANDIGANBAYAN
Tatlong libo dalawang daan at anim na kaso ang magkakasabay na nireresolba at dinidinig ng Sandiganbayan ngayong taon.

Ayon sa Judicial Records Division ng Sandiganbayan, bumaba ang bilang ng mga disposed and promulgated cases o mga natapos na mga kaso ng Anti Graft Court.

Mula 480 noong 2013, at 277 noong 2014, nakapagtala na lamang ng 276 na natapos na kaso para sa taong 2015

Sa 276 na mga kaso, siyam na put isa sa ay conviction o nahatulang makulong ang nasasakdal habang pitumput siyam naman ang na abswelto.

Sa kabila ng mataas na bilang ng mga natapos na kaso, nadagdagan naman ang trabaho ng korte dahil 357 cases naman ang naisampa sa Sandiganbayan noong 2015, mas mababa sa mga naisampa noong 2014.

Karamihan sa mga naisampang kaso ay paglabag sa anti graft and corrupt practices act at malversation at ayon sa judicial records, kalimitang nagagawa ang krimen sa national capital region.

Kaya naman upang bumilis ang takbo ng kaso sa korte, nagdagdag na ng dalawang divisions ang Sandiganbayan na hahawakan ng anim na bagong mahistrado.

Kahapon, nanumpa na sa harap ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Associate Justice Francis Jardeleza ang anim itinalaga ni Pangulong Aquino mula sa Judicial and Bar Council.

Sila ay sina Bulacan RTC Executive Judge Ma. Theresa Mendoza-Arcega, Undersecretaries mula sa Malacanan na sina Reynaldo Cruz at Michael Frederick Musngi, Assistant Solicitor General Karl Miranda, Cebu Judge Geraldine Faith Econg at ang Judical Staff Head ng Office of the Chief Justice of the Supreme Court na si Zaldy Trepeses

Ang pagdagdag sa dalawang divisions sa Sandiganbayan ay alinsunod sa Republic Act 1066 o an act strengthening the functional and structural organization of the Sandiganbayan, na pinirmahan at inapruba ni Pangulong Aquino Abril ng nakaraang taon.

(Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: ,