Bilang ng mga nabiktima ng paputok noong 2016, mas mababa kumpara sa nakaraang limang taon

by Radyo La Verdad | January 6, 2017 (Friday) | 1140

aiko_firecracker-related
Mula December 21, 2016 hanggang January 5, 2017 ay umabot sa 630 ang bilang ng firecracker-related injuries sa bansa.

Mas mababa ito ng 319 o 34% kung ikukumpara sa naitalang mga kaso mula 2011 hanggang 2015.

At 292 cases o 32% naman ang ibinaba nito kumpara sa kaparehas na panahon noong 2015.

Sa 630, 627 ang nasugatan dahil sa paputok habang tatlo naman ang naka-ingest o nakalunok ng maliit na paputok gaya ng luces at pop-pop.

115 naman ang nagtamo ng eye injury, 19 ang naputulan ng mga daliri sa kamay ngunit wala namang naitalang firecracker-related fatality.

Bagaman ipnagbabawal na gamitin, piccolo pa rin ang pangunahing dahilan ng pagkakasugat ng mga biktima.

Pinakarami sa mga biktima ay mula sa NCR, partikular sa Maynila na may 112 cases, Quezon City na may 76 cases at Marikina City na 27 cases.

May mga naitala ring 78 kaso sa Western Visayas at Central Luzon na may 47 cases.

Nagpasalamat naman ang DOH sa lahat ng ahensya at Local Government Units na nakiisa sa kanilang iwas-paputok campaign.

Batay naman sa ulat ng PNP Explosive Management Division Firearms and Explosives Office, malaki rin ang ibinaba ng stray bullet cases sa bansa.

Kabilang na rito ang kaso ni kinse anyos na si Emilyn Villanueva na pumanaw matapos tamaan ng bala sa ulo habang nanonood ng fireworks display sa Malabon.

Kumpiyansa ang kagawaran na sa taong 2017 ay makakamit ang target na mas mababa pa o wala nang maitalang casualties dulot ng paputok kapag naipatupad na ang executive order na firecracker ban sa bansa.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,