Bilang ng mga motoristang lumabag sa Anti-Distracted Driving law, umabot na sa mahigit 500

by Radyo La Verdad | August 10, 2017 (Thursday) | 5454

Umabot na sa mahigit limang daang mga motorista ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority na lumabag sa Anti-Distracted Driving law, matapos ang mahigit isang buwang pagpapatupad nito.

Pangunahing gamit nila sa monitoring ng pagpapatupad ng naturang batas ang no contact apprehension sa tulong ng mga CCTV cameras. Nangunguna sa listahan ang mga driver ng mga pribadong sasakyan, na umabot na sa one hundred sixty-seven. Pumapangalawa naman ang mga nagmomotorsiklo.

Ipinaabot na ng MMDA sa Land Transportation Office ang pangalan ng mga nahuling driver, upang maitala sa kanilang data base.

Ngunit ayon sa MMDA, sa ngayon labinlima pa lamang sa mga ito ang nakapagbayad na ng tig-limang libo piso multa, para sa unang paglabag.

 

Tags: , ,