Bilang ng mga mahihirap na pamilya sa Hawaii, tumataas – Aloha United Way

by Radyo La Verdad | January 11, 2018 (Thursday) | 5716

Halos kalahati ng mga pamilyang naninirahan sa estado ng Hawaii ang nabubuhay ng kapos sa panggastos sa araw-araw na pangangailangan, ito ang inihayag ng Aloha United Way, isang non-profit organization na naglalayong malamang maiigi kung gaano kahirap para sa mga residente ng Hawaii ang makahanap ng pangbayad sa mga pangangailangan.

Sa kabila ng pagiging top tourist destination at mala-paraisong mga beach ng Hawaii, dumarami din ang bilang ng mga homeless sa estado at ayon sa organisasyon, mayroong 11% ng mga Hawaiians ang nasa ilalim ng poverty level at 37% o lagpas sa 137,000 na pamilya ang nasa above poverty level. Hindi sapat ang kinikita upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya gaya ng pagkain, pabahay, damit, pag-aaral atbp.

Dagdag pa ng organisasyon, one third ng mga senior households ay hindi rin kumikita ng sapat upang tugunan ang mga kailangan nito gaya ng gamot.

Ayon sa Aloha United Way, kinakailangan ng isang Hawaiian resident na kumita ng higit sa $28,000 kada taon para sa mga basic needs nito.

Samantala, sinimulan ng Members Church of God International o MCGI sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon ang pamamahagi ng mga pagkain sa mga homeless sa Hawaii bilang tugon sa panawagan ng paggawa ng mabuti sa lahat ng kapwa tao at inaasahang ipagpapatuloy ito ng organisasyon sa mga susunod pang buwan.

 

( Cherie Pama / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,