Sa GRACES o Golden Reception and Action Center for the Elderly and other special cases ng DSWD kulang tatlong daan na ang mga inaaruga nilang matatanda na inabandona ng kanilang pamilya.
Ito ay sa kabila ng 200 lang ang kapasidad ng kanilang center at taon-taon nadadagdagan pa ang natatanggap nilang mga matatanda.
Ngayong pinagdiriwang ang elderly filipino week, ipinangako ni Vice President Leni Robredo na kaisa siya sa pagsusulong ng mga batas para mabigyan ng dagdag na benepisyo at karapatan sa mga matatanda sa bansa.
Kabilang dito ang elderly abuse bill. Dito mas mabibigyan ng proteksyon ang mga lolo at lola laban sa psychological, emotional, financial at physical abuse.
Mahaharap na rin sa kaso ang sinumang mag-aabanduna sa kanilang mga matatandang kaanak.
Sa kabila ng malawak na benepisyong natatanggap na ng mga lolo at lola sa ilalim ng expanded senior citizens act of 2010, nananawagan ang DSWD sa publiko na huwag iasa sa ibang tao ang pag-aalaga sa kanilang mga magulang at kaanak na matatanda.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: Bilang ng mga inabandonang matatanda lalong dumarami, DSWD