Umabot na sa 449 ang biktima ng paputok simula December 21, 2017 hanggang January 5,2018.
Nguni’t kumpara noong nakaraang taon, mas mababa ito ng 182 cases o 29% sa kaparehas na panahon. 243 sa mga biktima ay mula sa National Capital Region. Karamihan sa mga ito ay nagtamo ng injury dahil sa piccolo.
Wala namang naitatalang kaso ng pagkamatay dahil sa mga ipinagbabawal na paputok nguni’t may labing walong biktima ang naputulan ng mga daliri sa kamay dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok gaya ng boga, whistle bomb at kuwitis.
Pinakahuling naitala rito ay ang 39 na taong gulang na babae na itinakbo sa Batangas Medical Center dahil nasabugan ang apat na daliri sa kamay dahil paggamit ng paputok na dart bomb.