Bilang ng mga biktima ng paputok, bumaba ng 68% ngayong Jan 1, 2018

by Radyo La Verdad | January 2, 2018 (Tuesday) | 5509

Bumaba ng 68% ang bilang ng mga biktima ng paputok ngayong Jan 1, 2018.

Ayon kay Department of Health Sec. Francisco Duque II, ito ang pinakamababang bilang ng firecracker-related injuries sa loob ng limang taon. Simula noong Dec 21 hanggang kahapon ng alas sais ng umaga, umabot lang sa 191 ang bilang ng mga nagtamo ng firecracker related injuries.

Kung ikukumpara sa mga nagdaang taon, mahigit kalahati na ang ibinaba nito sa 604 cases noong January 1, 2017 at pinakakaunti sa loob ng nagdaang limang taon.

84% naman sa mga biktima ay mga lalaki mula labing isang buwang gulang hanggang 69 na taong gulang. Pito sa mga ito ang naputukan sa kamay at kinalaingang maputulan ng daliri. karamihan sa mga biktima ay mula sa National Capital Regional.

Nangunguna pa rin ang piccolo sa dahilan ng mga injury, pumapangalawa ang kwitis at ilan pang iligal na paputok gaya ng boga, whistle bomb, 5- star at baby rocket. Wala namang naitatalang namatay at kaso ng firecracker ingestion ngayong 2018.

Samantala, nag-ikot din sa East Avenue Medical Center ang kalihim kahapon. Binisita nito ang 12 taong gulang na lalaki na nasabugan ng pla-pla sa kanang kamay.

Samantala, ayon sa Ecowaste Coaltion , nagagalak silang bumaba ang bilang ng mga biktima ng paputok nguni’t mas mainam kung hindi lang limitahan ang paggamit ng paputok kundi ipatupad ang total ban sa buong bansa.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,