Bilang ng mga barangay sa Pampanga na lubog sa baha, dumami pa dahil sa pag-apaw ng Pampanga river

by Radyo La Verdad | December 18, 2015 (Friday) | 5353

JOSHUA_BAHA
Patuloy ang pag-apaw ng Pampanga river dito dahil pa rin sa tubig mula sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Bunsod nito ay dumami pa ang bilang ng mga barangay na lubog sa baha kung saan ilan dito ay lagpas sampung talampakan ang taas ng tubig.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kumpletong listahan ng mga apektadong barangay Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ngunit sa inisyal na report ay limang bayan na ang apektado ng pag-apaw ng Pampanga river.

Kaya naman ang ilang mga kabalen natin ay sumasakay ng mga bangka para lamang makatawid mula sa kanilang nalubog na bahay.

Dahil sa pag-apaw ng ilog, dinala na ng mga residente na nakatira malapit sa ilog ang kanilang mga gamit sa kalsada.

Maging ang kanilang alagang hayop tulad ng mga baboy at manok ay inilikas na rin nila sa mataas na lugar.

Nagmistulan na ring parking lot ang kalsada sa isang bahagi ng Arnedo dike sa bayan ng San Simon dahil sa dami mga stranded na sasakyan.

Samantala, hindi na rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Baliwag-Candaba-Sta.Ana Road, San Simon-Baliwag Road at ang Bahay Pare-San Luis-Sto.Domingo Road dahil sa taas ng tubig baha.

Samantala kahapon ay nagsagawa ng aerial inspection ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga lalawigan na apektado ng pagbaha sa nueva ecija, tarlac, pampanga at bulacan.

Pagkatapos nito ay magsasagawa ulit sila ng pagpupulon ngayong araw para sa kanilang assesment.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,