Bilang ng kumpirmadong nasawi sa mga pag-ulan dulot ng shearline, umakyat na sa 25

by Radyo La Verdad | December 29, 2022 (Thursday) | 7811

METRO MANILA – Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi bunsod ng mga pag-ulan na dulot ng shearline sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao.

Sa update ng National Disaster risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat pa sa 25 ang kumpirmadong bilang ng mga namatay dahil sa kalamidad.

Habang may 9 ang naiulat na sugatan at may 26 na indibidwal ang patuloy na hinahanap ng mga otoridad.

Lumobo rin sa mahigit 100,000 mga pamilya ang naapektuhan ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa ilang mga lugar.

Habang sumampa naman sa mahigit P65-M ang napinsala sa sektor ng agrikultura, at higit P20-M naman ang naitalang infrastructure damages.

Sa ngayon patuloy pa ring nagsasagawa ang mga otoridad ng search and rescue sa ilang mga lugar. gayundin ang relief operations para sa mga kababayan natin na apektado ng shearline.

Tags: