Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa umakyat na sa 49

by Erika Endraca | March 12, 2020 (Thursday) | 6832

METRO MANILA – Sa loob lang ng 24 na oras 16 agad ang nadagdag sa bilang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
Sa kabuoan umakyat na ito sa 49.

Kaya naman ibayong contact tracing ang ginagawa ng Department Of Health (DOH) sa mga nakasalamuha ng mga ito upang hindi na kumalat pa ang sakit

“Our workers medical workers are doing the contact tracing and investigation are just the age and gender of all of these cases, the new cases.” ani DOH Spokesperson, ASec Maria Rosario Vergeire .

Lahat ng bagong kaso mula patient number 34 hanggang 49 ay pawang mga Pilipino.

5 sa mga ito ay babae, 11 naman ang mga lalaki, ang kanilang mga edad nasa 29- 88 na taong gulang.

Ang case numbers 34 at 35 dinala sa Manila Doctors Hospital upang ma-isolate

Kinumpirma ng Department of Health Kagabi (March 11) na si ang patient number 35 ay nasawi na, ito ay Pilipino, edad 67 taong gulang.

Samantala, kritikal naman ang kundisyon ngayon nina patient 29 at 9.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,

Walang nasawi dahil sa MPOX sa Pilipinas — DOH

by Radyo La Verdad | June 10, 2024 (Monday) | 122020

METRO MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang naiulat na nasawi dahil sa Monkeypox na tinatawag na ngayong MPOX.

Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, walang pasyenteng nasawi sa MPOX mula sa anomang rehiyon ng bansa .

Nilinaw ito kasunod ng ulat na iniimbestigahan ng DOH sa Central Visayas ang pagkasawi ng isang 27-anyos na lalaki mula sa Negros Oriental, sa pinaghihinalaang kaso ng MPOX.

Paliwanag ni Asec. Domingo, halos magkahawig kasi ang mga butlig o sintomas ng chickenpox, shingles, herpes, at MPIX.

Kaya paalala niya na antayin ang opisyal na pahayag mula sa DOH at iwasan ang paggamit ng hindi beripikadong impormasyon.

Tags: ,

Bilang ng tinamaan ng Pertussis sa Caraga, umakyat na sa 9; suspected cases, nadagdagan ng 7

by Radyo La Verdad | June 4, 2024 (Tuesday) | 120919

METRO MANILA – Umakyat na sa 9 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit na Pertussis sa buong Caraga region mula January 1 hanggang kahapon, June 3.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa 5 ay naging 9 ang nagpositibo sa rehiyon sa pagpasok ng buwan ng hunyo. 7 rito ay mula sa Surigao Del Norte habang tig-1 naman sa Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.

Samantala, nasa 7 naman ang bagong suspected cases na naitala sa rehiyon. Sa ngayon 3 na ang nasawi dahil sa sakit na Pertussis sa Caraga.

Paalala ng kagawaran sa publiko na ang nasabing sakit ay nagsisimula lamang sa mild cough at lagnat na umaabot hanggang 2 Linggo, at pag-ubo naman na umaabot hanggang 6 na Linggo kaya mas maiging magpatingin agad sa doktor kung makaranas ng mga sintomas na ito upang hindi na lumala pa.

Tags: ,

Ex-DOH Sec. Garin, binalaan ang publiko sa paggamit ng vape kasunod ng 1st death sa PH

by Radyo La Verdad | June 3, 2024 (Monday) | 114536

METRO MANILA – Binalaan ni House Deputy Majority Leader at dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin ang publiko laban sa paggamit ng vape.

Kasunod ito ng naitalang kauna-unahang kaso ng pagkamatay sa Pilipinas dahil sa paggamit nito kung saan ang isang 22 anyos na lalaki ang nasawi matapos ang tuloy-tuloy na paggamit ng vape sa loob ng 2 taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na kailangan mamulat na ang lahat sa panganib ng paggamit ng naturang device lalo na sa mga kabataan dahil sa masamang epekto nito sa katawan na maaaring mauwi sa kamatayan.

Ikinababahala ni Representative Garin ang mga ulat na nagsasabing may mga kabataang edad 13 anyos ang nahuling gumagamit na ng e-cigarette at vapes kaya muli nitong binigyang-diin na hindi safe na gawing alternatibong paraan ang nasabing kagamitan para maiwasan ang paninigarilyo.

Tags: ,

More News