Bilang ng krimen sa Western Visayas, bumaba sa araw ng eleksyon

by Radyo La Verdad | May 15, 2018 (Tuesday) | 7511

Generally peaceful with no major election related incident. Ito ang naging sitwasyon sa Western Visayas sa barangay at Sangguniang Kabataan election day kahapon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Region 6, naging maayos din ang sitwasyon sa mga election hotspots sa rehiyon kabilang na ang mga lugar na may mga napaulat na presensya ng NPA.

Dagdag pa ni Western Visayas Police Regional Director Cesar Hawthorne Binag, bumaba din umano sa 2 ang naitalang ang krimen kahapon kung ikukumpara sa daily average na 9 sa Western Visayas.

Ayon kay Binag, maliban sa pakikipagtulungan ng Comelec, PNP at AFP, nakatulong din aniya ang kooperasyon ng publiko at ang paglagda ng peace initiatives ng mga kandidato sa lahat ng mga bayan at lungsod sa rehiyon.

Samantala sa Masbate City, naging tahimik ang pagdaraos ng halalan kahapon ayon sa Comelec.

Mula botohan hanggang sa bilangan ay walang naiulat na anomang untowards incidents kumpara noong mga nakaraang halalan.

Noong 2013 midterm elections, nasa 58 ang naitalang election related violence sa probinsya sa loob ng election period ngayong taon, mayroon na umanong 41 na naitalang krimen na kaugnay ng halalan at umaasa ang pnp na hindi  na ito madaragdagan.

Ang probinsya ng Masbate ay kasama sa listahan ng election hotspot ng PNP.

 

( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,