METRO MANILA – Bumaba ang bilang ng krimen sa Davao City ngayong taon batay sa record ng Davao City Police Office.
Mula January hanggang May 2024, umabot lamang sa 1,759 ang naitalang crime incident sa lungsod na mas mababa sa kaparehong period noong nakaraang taon na 1,831 cases.
Nangunguna parin dito ang mga kaso ng pagnanakaw, pagpatay at rape.
Bumaba rin ang bilang ng mga naiuulat na index crime ngayong 2024 tulad murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.
Ayon sa Davao City Police, ang pagbaba ng krimen ay dahil sa maigting na pagpapatupad ng police operation at peace and order sa lungsod.
Sa kabila rin ito ng isyung kinaharap ng Davao City PNP tulad sa paghahanap sa Religious Group Leader na si Apollo Quiboloy at sa kamakailang pag-relieve sa 35 pulis sa kanilang dako.
Patunay lamang ito na nanatili paring isa sa safest city sa Asia ang Davao City.
Tags: crime rate, Davao, PNP