Bilang ng kaso ng dengue sa Eastern Visayas, bumaba ng 73% –DOH

by Radyo La Verdad | December 11, 2015 (Friday) | 1452

JEN_DENGUE
Bumaba ng seventy three percent ang naitalang kaso ng dengue sa Eastern Visayas ngayong taon kumpara noong 2014.

Ayon sa DOH Region 8 umabot lamang sa 1,407 ang naitalang kaso ng dengue sa buong Eastern Visayas ngayong taon kumpara sa 5,139 noong 2014.

Sa nasabing bilang ng dengue noong 2014 ay labinlima ang nasawi.

Samantala,sa kabila ng malaking porsiyento ang ibinaba ng dengue cases sa Eastern Visayas, sinabi ng mga health official na hindi dapat na maging kampante ang mga residente at sa halip lalo pang maglinis ng kapaligiran upang tuluyang mawala ang mga lamok na dengue carrier.

Tags: , ,