Bilang ng flu patients sa Japan, patuloy ang pagtaas

by Radyo La Verdad | January 18, 2018 (Thursday) | 5396

Umaabot na sa mahigit isang milyon ang apektado ng influenza kada linggo sa Japan, particular sa Southwest at West area.

Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, nagsimula na ang flu season sa Japan na tatagal hanggang sa susunod na buwan.

Pinakamaraming infected ay sa Miyazaki Prefecture na nakapagtala na ng 34 person per institution or health centers.  Sumunod ang Okinawa na may 31 at ang Nagasaki. Pinakacommon na strain ng influenza na malaganap sa ngayon ay ang type-a influenza na siya ring naging sanhi ng pandemic noong 2009.

Sa ngayon ay medyo nagkakaroon ng shortage ng flu vaccine dito sabi ng Ministry of Health ay limitahan muna ang pagbibigay ng bakuna sa mga edad 13 pataas ay isang shot lang muna ng flu vaccine ang kanilang ibinibigay.

Kung may mga magbibiyahe papuntang Japan, ang payo ng Ministry of Health ay laging magsuot ng face masks o ugaliing magtakip ng bibig lalo na sa mga public places at kung may makakatabing inuubo o humahatsing para makaiwas sa impeksyon.

Kinakailangnan rin na maghugas ng kamay o laging mag-disinfect gamit ang alcohol at umiwas muna sa matataong lugar.

 

( Ryuji Sasaki / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,