Bilang ng Chinese tourists na bumibisita sa Pilipinas, tumataas – Phl embassy sa China

by Radyo La Verdad | May 18, 2017 (Thursday) | 2809


Dalawang daang porsyento ang itinaas sa bilang ng mga Chinese na nag-aapply ng visa para makabisita sa Pilipinas kumpara noong nakalipas na taon ayon sa Philippine Embassy Consular Office sa China.

Dagdag pa nito, muli rin ng gumanda ang ugnayan ng Pilipinas at China, umakyat sa 37.65 percent ang Chinese tourist arrivals sa Pilipinas o katumbas ng higit sa 675 thousand.

At para sa taong 2017, nasa isang milyong Chinese tourist ang target ng pamahalaang dumayo ng Pilipinas.

Tiwala naman ang mga Chinese na nag-apply ng visa para makapunta ng Pilipinas na bubuti pa ang ugnayan ng dalawang bansa dahil sa kasalukuyang administrasyon.

Interesado rin silang malaman ang kultura ng mga Pilipino at mga tourist destinations sa bansa.

Ayon naman sa embahada ng Pilipinas dito sa China, dahil sa tumataas na bilang ng mga Chinese tourists na nag-apply ng visa para makabisita sa Pilipinas, hinihiling na nila ang pagdadagdag ng mga personnel upang mas mapabilis ang pagproseso sa kanilang mga dokumento.

(Rosalie Coz)

Tags: , , ,