Bilang ng bus na bibiyahe ngayong long holiday, sapat -LTFRB

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 1742
Photo credit: Mon Jocson/UNTV Correspondent
Photo credit: Mon Jocson/UNTV Correspondent

Sinigurado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sapat ang bilang ng mga bus na bibiyahe ngayong long holiday.

Ngayong araw pa lamang ng Lunes ay dagsa na ang mga biyahero sa mga pangunahing bus terminal sa Kamaynilaan

Ayon kay LTFRB Executive Director Roberto Cabrera III na hanggang nitong Sabado, mayroon nang 667 special permits to travel out-of-line ang inaprubahan para sa long holiday.

Tiniyak naman ng opisyal na di maiisyuhan ng permit ang mga phase out na bus units at mga hindi makakapasa ng requirements.

Ayon kay Cabrera, sa higit 1,000 nag-apply para makakuha ng permit, nasa 400 ang hindi nakapasa.

Kabilang sa mga requirement sa pag-iisyu ng permit ay ang pagkakaroon ng insurance ng bus lines. Sinabi ni Cabrera na hindi sakop ng insurance ang isang pampasaherong bus kapag nalamang kolorum o wala itong rehistro sa ahensya

Tags: , , , ,