Manila, Philippines – Posibleng mabawasan ang mga benipisyaro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) matapos itong maisabatas.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakadepende ito sa magiging resulta ng gagawing survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) at sa rekomendasyon din ng National Advisory Council.
Umabot na sa 10 taon o 1 dekada mula nang ilunsad ng pamahalaan ang 4Ps. Mula taong 2016 hanggang sa ngayon ay nasa 4.4 million households o 19 na milyong indibidwal ang patuloy na nakikinabang sa naturang programa.
Pero kung daragdagan ang bilang ng kanilang benepisyaryo at palalawakin ang saklaw ng programa matapos ganap na maisabatas ang 4Ps, ayon sa dswd depende ito sa magiging resulta ng survey na gagawin ng psa ngayong taon at sa magiging rekomendasyon ng national advisory committee.
“It will be reviewed after psa will render their reports as to what is now the current status of our poverty incidence. It could be high or go low. (pero tantiya niyo po?”) baka bababa tayo.” ani DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin
Ayon kay DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin napatunayan umanong epektibo ang 4Ps na nakatulong sa pagbaba ng poverty incidence sa bansa.
“There was a survey conducted by the psa in 2015 and in that period, poverty was reduced from 25, 26 percent to 21.5 percent. And based on the analysis of the national economic and development authority, they attributed it to pantawid pamilya” ani DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin
Ang 4ps ay isang human development program na tumutulong sa pagbibigay ayuda sa mga kabataan hanggang 18 taong gulang para sa kanilang edukasyon at kalusugan
“Iyong benefit size iyong cash grant. Na maintain iyong sa elementary 300 pesos pa rin.. Pero iyong sa senior high from 500 ginawa nang 700 pesos. Dinagdagan din ang health grants from 500 pesos ginawa na ngayon na 750 pesos” ani DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin
Bukod dito may rice subsidy na natatanggap ang pinakamahihirap na pamilya, anim-naraang piso kada buwan mula taong 2017. Samantala sa taong 2018 naman ay nasa 40 libong benepisyaryo na ang nagtapos sa programa.
(Mai Bermudez | Untv News)