As of January 4, 2016, ay pumalo na sa walong raan at tatlumput-isa, na ang kabuoang bilang ng mga nabiktima ng paputok, sa pagpasok ng taong 2016.
Bukod sa mga biktima ng paputok, nakapagtala na rin ang DOH ng pitong kaso ng stray bullet o mga tinamaan ng ligaw na bala at isang fireworks ingestion, kaya naman sa kabuoan ay nasa eight hundred thirty-nine na ang firecracker related incidents.
Ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga naputukan na nasa apat na raan at animnaput-pitong biktima ng paputok.
Sampung munisipalidad sa metro manila ang nakapag-record ng mga biktima ng paputok, kung saan ang lungsod ng maynila ang may pinamataas na bilang na umaabot na sa isang daan at animnaput-anim na mga indibidwal.
Karamihan sa mga biktima ay pawang mga bata na may edad labing tatlong taong gulang.
Samantala isang kaso na ng fire-cracker ingestion ang naitala rin ng DOH, kung saan isang walong taong gulang na bata ang nakalunok ng paputok noong December 21.
Agad na dinala sa Philippine General Hospital ang biktima upang gamutin at kasalukuyan ng nasa maayos na kalagayan.
(Joan Nano/UNTV News)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com