Biktima ng paputok sa Bulacan, umakyat na sa 12

by Radyo La Verdad | January 1, 2016 (Friday) | 2767

estong_naputukan
Umabot na sa labing dalawa ang mga biktima ng paputok na isinusugod dito sa Bulacan Medical Hospital.

Ang pinakamalala sa mga ito ay ang pinsalang tinamo ni Elmer Fabian Bareto, singkwenta y dos anyos.

Apat na daliri sa kanyang kaliwang na kamay ang naputol dahil sa tindi ng pagsabog mula sa paputok na kung tawagin ay dynamite.

Aminado ang biktima na nakainom ito ng alak nang magpaputok at hindi na umano niya ito naihagis matapos sindihan kaya sa kamay niya ito sumabog.

Ayon kay Elmer, ibinigay lang sa kanya ang paputok na dynamite at hindi siya bumili ng kahit anong paputok dahil iniiwasan niya ang madisgrasya.

Kaya naman laking pagsisi nito at nangakong hindi na sya magpapaputok.

Samantala, kabilang sa mga paputok na pangunahing sanhi ng injury ng mga isinusugod dito sa bmc ay ang mga ipinagbabawal na paputok na picolo, bawang at kwitis.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,