Biktima ng motorcycle accident sa Quezon city, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 18, 2015 (Wednesday) | 2110

REYNANTE_TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle accident sa NIA Road Barangay Pinyahan sa Quezon city dakong alas onse y medya kagabi.

Nadatnan ng grupo na nakahiga sa center island ang biktima, duguan at nagtamo ng malubhang pinsala.

Kinilalang ang lalaki na si John Diomel Naculanga,17 taong gulang at residente sa nasabing lugar.

Nagtamo ito ng pamamaga sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha, gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan at head injury.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima at mabilis na isinugod sa East Avenue Medical Center kasama ng kanyang magulang.

Ayon sa security na guard na malapit sa pinangyarihan ng aksidente nakarinig na lang sila ng malakas na kalabog sa kalsada, eksakto naman na may dumating na sasakyan kayat nailawan ang lugar at doon nakita ang nakatumbang motor at ang nakahandusay na biktima sa center island.

Kwento ng mga kaanak ng biktima galing umano ito sa kanyang mga kaibigan at papauwi na sana nang mangyari ang aksidente.

Iniimbestigahan na QCPD Traffic Sector-3 kung ang pangyayari.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,