Biktima ng motorcycle accident sa Quezon city, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 2417

REYNANTE_TMBB
Nirespondehan ng UNTV Rescue Team ang isang lalaki naaksidente sa motorsiklo sa Katipunan flyover sa Quezon city dakong alas dose ng madaling araw.

Nadatnan pa ng grupo na nakadapa sa kalsada at nakasuot ng helmet ang lalaki.

Kinilala ito na si George Saguis, bente nuebe anyos, residente ng Junction sa Cainta, Rizal.

Nagtamo ito ng mga sugat sa kanyang baba at braso na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Pagkatapos ay dinala na ito ng grupo sa Quirino Memorial Medical Center.

Ayon sa isang nakasaksi sa pangyayari, binabagtas nila ang kahabaan ng Katipunan Ave. sakay ng kanilang kotse nang mapansin ang kasunod na motorsiklo na bigla na lamang huminto at pagkatapos ay natumba.

Hinarangan naman nila agad ang biktima para hindi na din masagasaan ng mga sasakyang dumadaan sa flyover.

Sinubukan naman naming kausapin si Saguis at sinabi nitong nakatulog umano siya habang nagmamaneho.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,