Biktima ng mga paputok sa East Avenue Medical Center tumaas ngayon kumpara noong nakaraang taon

by Radyo La Verdad | December 31, 2015 (Thursday) | 3945

AIKO_BUMABA
Tumaas ng 5-8 porsyento ang bilang ng mga biktima ng paputok sa East Ave Medical Center ngayong 2015 kompara noong nakaraang taon.

Hanggang kaninang alas-siyete ng umaga, umabot na sa 27 ang naitatalang firecracker related injuries.

Sa nasabing bilang, 23 dito ang biktima ng piccolo, 1 biktima dahil sa pagpapaputok ng kuwitis, 1 dahil sa watusi at 1 naman ang kasalukuyan pang inaalam kung anong paputok ang ginamit.

Sa kasalukuyan, naka-code white alert ang East Ave Medical Center hanggang January 6, 2016, kung saan on-call ang lahat ng doctors at nurses ng ospital para sa maaring pagdagsa ng mga biktima ng paputok pagsapit na gabi.

Ayon kay Dr. Alfonso Nuñez, head ng emergency department ng East Ave Med Center, nakahanda na ang lahat ng gamit ng ospital sa mga maaring kaso ng firecarckers related injuries.

Walang anomang babayaran ang mga biktima ng paputok dahil nagbigay ng mandato ang Department of Health na sa kanila manggalibg ang expenses para sa pagbibigay lunas at paggamot sa mga biktima ng paputok.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,