Biktima ng hit ang run sa Mandaue City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | September 13, 2016 (Tuesday) | 1662

marlhon_tmbb
Nakaupo sa gilid ng kalsada sa Brgy. Bakilid, Mandaue City ang isang babae na biktima ng hit and run ng madatnan ng UNTV News and Rescue Team pasado alas sais kagabi.

Kinilala ang biktima na si Grace Pareja, apatnapung taong gulang, residente ng A.S Fortuna St., Mandaue city.

Nagtamo ng galos sa kanyang kanang paa si Grace at idinadaing ang pananakit ng kanyang paa at hita.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugat ni Grace at nilagyan ng splint ang deformity.

Pagkatapos ay dinala ng grupo si Grace sa Vicente Sotto Memorial Medical Center para sa karagdagang atensyong medikal.

Ayon kay Grace patawid siya sa A.S Fortuna St. ng mabangga ng isang motorsiklo.

Tinulungan pa siya ng driver ng motor na makatayo ngunit ng makitang paparating ang traffic police ng Mandaue City ay bigla itong umalis.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung sino ang nakabangga sa biktima.

(Marlhon Abique / UNTV Correspondent)

Tags: ,