Biktima ng banggaan sa Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 19, 2016 (Monday) | 1328

lalaine_tmbb
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa apat na biktima sa banggaan ng pick-up truck at tricycle sa Ramos Street, Bacolod City pasado alas dos noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa nakakita sa aksidente, palabas na sa intersection ang tricycle nang bigla itong mahagip ng rumaragasang pick-up truck.

Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang apat na sakay ng tricycle.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Edito Api, trentay kuwatro anyos na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman itong nilapatan ng paunang lunas ng grupo bago dalhin sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

Ang tatlong pang biktima ay tinulungan naman ng Disaster Risk Reduction ang Management Council at Amity Volunteer Fire Brigade at isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: ,