Bigas ng masa o murang commercial rice, mabibili na sa Maynila simula sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | February 16, 2018 (Friday) | 3056

Mula pa nang Miyerkules ay dinagsa na ng ating mga kababayan na makabili ng murang commercial rice o tinatawag na bigas ng masa dito sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City.

Nagkakahalaga lamang na 38 pesos kada kilo ng bigas ang mabibili dito. May mga tig 10 kilong bag din na mabibili sa 380 pesos at tig 25 kilong bag na mabibili sa 950 pesos.

Bukas ito sa lahat ng mga consumer na nais bumili depende sa kanilang mga budget at maka-discount dahil sa ngayon nasa P40 pesos hanggang 60 pesos ang kilo ng bentahan ng bigas sa palengke.

Para hindi naman maabuso ng mga balak negosyohin ang mga bigas, 25 kilo ng bigas lang ang pinakarami pwedeng bilhin.

Alas sais ng umaga bukas na ang tanggapan ng DA para makabili ng murang commercial rice at magsasarado alas ito alas singko ng hapon.

Inaaasahan naman ng DA na sa susunod na linggo naman ay bubuksan ang proyekto sa Bureau of Plant Industry sa Maynila, kung saan makakabili ang mga consumer ng mas murang bigas tuwing Biyernes.

Ayon sa ahensya, inilunsad ang proyektong bigas ng masa para hindi umano madehado ang mga lokal na magsasaka sa pagaangkat ng National Food Authority o NFA ng 250,000 metriko toneladang bigas.

Samantala, tutulungan ng DA ang mga farmers group na makabenta ng bigas na mas mura at direkta na sa mga consumer. Gusto rin umanong patunayan ng ahensiya na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Sa tala ng DA, tumaas ng 1.7 million metric tons ang produksyon ng bigas noong  2017. Mas mataas din ang target na produksyon ngayong first quarter ng taon, kumpara noong 2017.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,