Magpapatupad ng big time oil price hike sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa industry sources, aabot sa P1.30 kada litro ang idadagdag sa gasolina at piso naman sa kada litro ng diesel.
Ang kerosene ay magtataas din ng hanggang P1.30 kada litro.
Una nang ipinahayag ng Department of Energy (DOE) na ang mabagal na supply ng krudo sa world market ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis kasunod na rin umano ng nangyaring gulo sa Nigeria.
Bukod dito, nakakaapekto rin umano ang naganap na wild fire sa Canada kung saan ang apektadong lugar ay malapit sa pinagkukunan at pinagmiminahan ng krudo.
(UNTV RADIO)