METRO MANILA – Epektibo na ang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes June 18.
Batay sa magkakahiwalay na abiso ng mga kumpanya ng langis, tataas ng P1.70 ang presyo ng kada litro ng Diesel.
Aabot naman sa P0.85 ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
Samantala, madaragdagan naman ng P1.90 ang kada litro ng Kerosene.
Nauna ng sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang bigtime oil price hike ay bunsod ng naitalang pagtaas sa inaasahang demand ng langis ng iba’t ibang mga ahensya sa mundo.
Nakaapekto naman din ang pabago-bagong galaw sa presyo ng langis sa international market.
Tags: DOE, oil price hike