Big Time Oil Price Hike asahan na sa mga susunod na araw, kasunod ng Rebel Attack sa malalaking planta ng langis sa Saudi Arabia.

by Erika Endraca | September 16, 2019 (Monday) | 2164

MANILA, Philippines – Inatake ng pinaghihinalang Houti Rebels mula sa Iran ang 2-planta ng langis sa Saudi Arabia na sinasabing biggest crude exporter sa buong mundo nitong Sabado.

Ayon sa mga report, nasa  5% ng global oil supply ang nawala dahil sa ginawang drone attack ng mga rebeldeng grupo.

Dahil sa insidente, paralisado ngayon ang produksyon ng langis na nasa 5.7 million barrels per day na may malaking epekto sa presyo at suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa isang pahayag sinabi ni Jason Bordoff ang founding director ng Center On Global Energy Policy ng Columbia University sa New York asahan na ang pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon naman sa us Energy Department posibleng matagalan umano ang oil crisis, kaya naman asahan na maglalabas aniya ng langis ang Amerika at iba pang mga bansa mula sa kanilang strategic petroleum reserves upang masustinehan ang demand ng crude oil sa world market.

Sa ngayon patuloy pang ina-assess ang lawak ng pinsala sa dalawa planta ng langis. Samantala magpapatupad ng oil price hike ang ilang kumpanya ng langis bukas

Sa abiso ng Shell at Petro Gazz , tataas ng P1.35 kada litro ng gasolina, P0.85 per liter sa Diesel. Habang P1.00 naman sa Kerosene.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: