METRO MANILA – Lumahok ang halos 12,000 na indibidwal sa isinagawang fun run kontra ilegal na droga sa ilalim ng “Buhay ay Ingatan, Droga ay Iwasan” (BIDA) program ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Linggo (April 30) sa Dagupan City, Pangasinan.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, sinimulan ang programang BIDA noong October 2022 bilang tugon sa ordinansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at mapababa ang demand nito sa pamamagitan ng interbensyon.
Dagdag pa ni Sec. Abalos, upang maiwasang masangkot sa droga ang mga kabataan ay kinakailangang matukoy ang ugat ng pagtaas ng kaso kaugnay sa paggamit nito at dapat bigyang-pansin ng mga sektor ang pagpapaunlad sa mga proyektong nagbibigay ng trabaho at oportunidad sa edukasyon.
Sa pamamagitan ng BIDA program, mahihikayat ang kabataan sa mga gawain ng sining, larong pampalakasan at kultura nang sa gayon ay mailayo sila sa mga masasamang bisyo. P
atuloy na umaasa si Mayor Belen Fernandez na magiging drug-cleared din ang siyudad ng Dagupan sa tulong ng nasabing prokyekto.
(Renajane Coyme | UNTV News)